'Be strong and courageous. Do not be afraid or terrified because of them, for the LORD your God goes with you; he will never leave you nor forsake you." (Deuteronomy 31:8)
Sa bawa’t araw, may 3,000 Pilipino ang lumalabas ng ating bansa na kumakatawan sa Global Filipinos na naglakas loob na harapin ang hamon ng pangingibang bayan upang sundan ang kanilang mga pangarap na maiangat ang kanilang buhay sa pamamgitan ng marangal na hanapbuhay bilang mga Migranteng Pilipino.
Karugtong ng bawa't pangarap ng halos 12 Milyong OFW na nasa iba't ibang panig ng mundo ay ang maibahagi ang kanilang biyayang tinatamasa sa kanilang pamilya sa pamamagitan ng buwanang remittances at mga bakilbayan box na kanilang ipinadadala sa mga naiwang pamilya sa Pilipinas.
Subali’t ang kamalayan ng bawa’t OFW ay hindi nananahan sa bawa’t dolyar at “tsokolate” na kanyang ipinapadala sa kanyang mga kapamilya dahil higit pa dito ang kanyang pangarap para sa kanyang pamilya at mga mahal sa buhay. Ito ay ang makasama ang kanyang mga kapamilya sa ibang bansa. At para sa bawa’t OFW, ang tinatawag na kapamilya ay simula sa kanyang mga magulang, mga kapatid, asawa at mga anak, mga tito at tita, mga pamangkin, minsan ang mga kaibigan at kapit-bahay ay kabilang na rin sa kanilang tinatawag na kapamilya.
Hindi ba napakagandang pagmasdan na sa iyong pag-asenso ay kasabay mo ang iyong mga kapamilya na tinatamasa ang biyayang natatanggap mo kay Bathala?
Bagama’t hindi naging madali ang pakikipagsapalaran sa ibang bansa, sa kabila ng mga kwento ng kabiguan ng iba nating mga kababayan na biktima ng pang-aabuso mula sa malulupit na amo, ang mga kwento ng kabiguan mula sa mga mapagsamantalang “recruiters” at “illegal recruiters”, hindi ito naging hadlang sa ating mga kababayan na subukin at hanapin ang kanilang kapalaran sa ibang bansa, at sa kanilang sipag at tyaga, "Silang Mga Naglakas-Loob" ay naging kakaiba at namayagpag at ngau’y di mabilang ang magkakamag-anak na nasa iba't ibang bansa bilang Pinoy Expats at OFW.
Kailan ka ba huling nagbukas ng banyagang pahayagan at ng mapunta ang iyong mga mata sa “Classified Ads” ikaw ay nagwika na –
“tamang tama itong mga job vacancies na available dito para kay Kuya, sana makarating din sya dito”,
“in-demand pala dito ang kursong kinukuha ni bunso, sana makatapos na sya para makasama ko.”
At minsan sa inyong pag-uusap sa telepono, hindi mo ba nabanggit na –
“Huwag kang mag-alala gagawa ako ng paraan para madala kita dito…”
“mag-aral ka ng husto anak, pagnakatapos ka ng pag-aaral, isasama na kita dito...”
Mga katagang namumutawi sa labi ng mga OFW hindi dahil sa kanilang labis na pangungulila, kundi mga salitang hinugot mula sa puso upang maipadama sa kanilang kapamilya na sila ay karugtong ng kanilang buhay, isang pagbibigay ng pag-asa na makamtan din nila ang tagumpay na kanilang tinamasa bilang mga banyaga sa ibang bansa.
Ilan ang mag-asawa, mag-ama, mag-ina, magkapatid, magtiya at mag-tiyo, magpinsan na magkasama sa isang bansa bilang mga banyagang OFW, magkakasamang bumubuo ng mga pangarap para sa isa't isa at para sa mga naiwanan pang kapamilya sa ating bansa.
Anuman ang kanilang naging trabaho bilang OFW, nanatili silang mapagkumbaba at hinarap ang hamon ng pangingibang bansa upang matakasan ang pambansang kahirapan. Hindi nila hinangad ang labis na kayamanan, ang kanilang munting pangarap lamang ay maiahon sa kahirapan at makasama ang kanilang kapamilya, magkaruon ng sapat na ipon bilang paghahanda sa muling pagbabalik sa ating Inang Bayan.
Habang ating inaabangan ang katuparan ng mga winika sa Sona ng Pangulong Arroyo:
"Kaya nagsisikap tayong lumikha ng mga trabahong maganda ang bayad dito sa atin so that overseas work will just be a career choice, not the only option for a hardworking Filipino in search of a better life..."
Magpapatuloy na mangangarap ang mga OFW na makasama ang mga naiwang kapamilya upang maiangat nila ang kanilang buhay sa pamamagitan ng marangal na trabaho na may maayos na sweldo bilang mga banyagang manggagawa sa ibang bansa na ipinagkait sa kanila sa sariling bansa.
This post actually got me thinking hard.
ReplyDeletePangarap na nga ba talaga ng lahat ng Pilipino ang maging OFW?
Nagsisikap nga ba ang mga kabataan na makatapos sa pag-aaral upang 'makapag-abroad'?
Pangarap nga ba talaga nati'y gawing OFW ang bawat miyembro ng ating pamilya?
I actually didn't realize this until I read your post. Kahit dun sa PEBA entry ko, hindi ko napansin na lahat ng mga kabataan sa kwento ko ay nangangarap mag-abroad pagkatapos mag-aral.
This for me is scary.
Ano ito bro another entry para sa PEBA :) Yun nga lang bro ang madalas natin marinig sa mga OFW & expat. dahil ns rin sa mga tinatamasa natin konting ginhawa.
ReplyDeleteIn this point madalas ko sabihin naman sa mga anak ko na pagnakapagtrabaho kayo gusto ko magkakasama tayo kahit saan man kayo mapunta.
Ito na rin ang plano ng Lord para sa mga Pilipno. Na tayo ay makapagipon upang sa ganun makatulong din sa mga kapus palad nating kababayan. Sa pamamagitan ng ating mga contribution sa GNP.
Nice one bro!
@ Nebz
ReplyDeleteMinsan talagang nakakatakot isipin ang katotohanan, karamihan ng mga OFW na magulang ang mga kursong pinakukuha sa mga anak ay kursong madaling makapasok ng trabaho sa ibang bansa tulad ng Nursing, Engineering, at IT. Ang mga kabataan karaniwang pangarap, makapunta sa Amerika, sa Canada, sa Europe.
Hanggang hindi nararating ng ating bansa ang tinatawag na "self sufficiency" ay hindi matatapos ang tinatawag na Exodus of Filipino Labor, isa pang nakakatakot na dahilan ay ang hantarang programa ng Pamahalaan na Labor Export Policy para sa ating manggagawang Pilipino.
@ Life Moto
ReplyDeleteHindi po ito panibagong entry sa PEBA hahaha.
I am proud to say na OFW ako, my wife is an OFW before I marry her and until now she is working with me here. And now my son is a certified OFW.
Bago pumunta ang anak ko dito, I let him decides kung saan nya gusto magwork, den he finally decides to try his luck dito. And I am a proud father dahil sa loob ng 4 years nya na pagta-trabaho as an OFW, he was able to put up his own business, and last July 28, natapos na rin ang kanyang pinatayong sariling bahay (2-storey house) near to my house in Antipolo, mula sa kanyang personal savings here in Doha (without any bank loans or credit cards).
My pamangkins have joined us here too, sa halip na umaasa sila sa tulong pinansyal na ipinapadala namin, mas makakabuti pa na tulungan ko silang makarating dito at makapagtrabaho so they learn the value of work and money, at sa gayun sila naman ang tutulong sa kanilang kapamilya.
And of course, one day, soon... me and my family will have to return back to my home place in Antipolo.
Ni sa panaginip di ko inisip na danasin ng isa sa kapamilya ko ang dinaranas ng bawat OFW, ang nasa isip ko lang makaipon ng sapat na pera pangnegosyo para makauwi na lang sa Pinas at matulungan ang mga kapamilya...
ReplyDeleteXensya na pero siguro kaya ayaw kong mapunta dito ang kapamilya ko eh dahil sa mababang pasweldo sa mga tulad ng ibang ordinaryong trabahador lamang. Kung nasa IT ka maaari pa siguro..Kung sa ibang bansa siguro gaya ng kung nasaan man ang iba sa atin, baka magbago ang pananaw ko at pilitin ang kapamilya kong makasama sila sa ibang bansa at makatulong sa kapamilya...
May mga natulungan na akong kapamilya na mapapunta dito at magkatrabaho, pero gaya ng sabi ko, kung di rin lang Computer Related ang work mo mas mabuti pang umuwi ka na lang sa Pinas...Ayun, after ng isang kontrata, uwi na raw sila :D
Sa bansang kinaroroonan ko ngayon, at sa mga kasabayan kong mga Pilipinong dumating dito, masasabi ko ng totoo nga ito.
ReplyDeleteNais ko rin sanang umunlad ang bansang Pilipinas nang sa gayo'y hindi na natin kailangang mangibang-bansa. Nais ko ring makatulong, pero bilang isang ordinaryong mamamayan parang hindi ko alam kung paano. Siguro nga kailangan ko na ring mag-post ng banner na 'No To Con Ass' sa side bar ng aking blog, at magpa-rehistro na rin sa Overseas Absentee Voting.
It's a fact that most OFW's prepare their children to live and work abroad. With the current situation in the Philippines, wala akong makitang paraan para mailagay sa maayos ang aking anak. Praktikal na pag-iisip lang yan.
ReplyDeletemeron pa ring hope that flickers in my heart and mind that one day, the luck will turn and bless the Philippines to be one of the economic and powerful countries in the world. But hanggat di nagbabago ang mga Pinoy, hanggat may mga politiko na makasarili, hanggat the system will not be corrected, pangarapa na lang ang mga yun George, and my daughter and kids will also be working abroad to live the kind of life we all wanted.
ReplyDeleteI don't want to sound negative, pero just like Nebz, if we are not abroad now, the future will be scary. Honestly.
di ko pinangarap noon na mangibang bansa.. hindi ko hinanap, nabigyan lang talaga ng magandang oportunidad kaya nandito ako ngayon.
ReplyDeletehanggat maaari,hanggat makakaya, gagawin ko anglahat para lang hindi na kailanganin ng aking anak na maging OFW din kagaya ko.
dahil ang totoo naman, mas masaya pa rin mamuhay sa sariling bansa natin...
nice post POPE...
Ako, hindi ako nagrerecruit. As much as possible gusto kong andun lang ang mga parents at mga kapatid ko sa Pinas living a simple life.
ReplyDeleteEnough na na ako ung andito.
Basta tahimik at masaya sila dun, ok na ako.
Pero sa case ng iba, naiintindihan ko kung bakit kelangang mangibang bansa pa ng buong pamilya kasama ang mga kamag-anak. Hindi ko sila masisisi kung andun ang kapalaran nila. Dalangin ko lang na kahit nasa ibang lugar sila, hindi nila makalimutang lumingon...
Sa panahon ngayon, going abroad is the answer to alleviate the Filipino family from poverty. Totoo naman. In my own viewpoints,okay ang mag abroad, as long as babalik pa rin ang isang OFW sa lupang pinangakuan pagdating ng panahon. Nakakatulong para sa ekonomiya kung magiinvest sa sariling bansa. So why migrate?Nice post on this! Jag here, buhay Japan pero pusong pinoy pa rin.
ReplyDeleteano mang layo ang marating ay babalik ka rin sa iyong pinagmulan. there is no place like home..talagang work for food..
ReplyDeleteNung bata ako, sinabi ko sa sarili ko na hindi ako magtatrabaho sa ibang bansa, dahil ayaw kong maiwan ang pamilya ko sa Pilipinas. Naranasan ko ksaing mawalay sa aking ama nung bata ako. Dahil sa nagtrabaho siya sa ibang bansa, hindi kami naging 'close' sa isa't-isa.
ReplyDeletePero sa hirap ng buhay ngayon, nagdadalawang isip na akong sirain ang sinabing kong iyon sa sarili ko. Masasabi kong naiinggit ako sa iba na sa ibang bansa nagtatrabaho, nakakaipon ng sapat o sobra. Mayroon pang doon na mismo sa ibang bansa naninirahan, at maunlad ang pamumuhay. Hindi ko alam kung makakaya ko bang umunlad ng dito lamang sa ating bansa.
A very thought-provoking post that touches the heart deeply. I now understand more than ever how it is to go out of your own country to work for another country.
ReplyDeleteHindi lang talaga sa dolyar at tsokolate o mga imported na bagay, subalit upang maitaguyod ang pamilya.
Salamat sa iyong nakaka-inspire na mga sulatin.
hayz.. napapaisip talaga ako sa bagay na ito... hayz...
ReplyDeleteI was been OFW before pero yung last contract ko ng umuwi na ako ewan ko ba, ayoko ng bumalik not exactly the salary, kasi wala akong masasabi kung fnancial din lang pero mahirap mag-isa ngayon kuntento na ko dito sa pinas at nagtratrabaho di ko massi ang bawat pilipinong nagnanais na mangibang bansa pero as long as maaari kung ako magkakaanak mas masarap sigurong isiping pupunta lang ako at ang pamilya ko hindi lang para magtrabaho bagkus para mamasyal at magbakasyon lang....hoping...it happen...
ReplyDeleteMy prayer is for this country to no longer give away talented workers to other countries.
ReplyDelete