Lulan ng LRT mula sa Libertad Station, binabaybay ng tren ang kahabaan ng Taft Avenue at sa mabilis na pagtakbo nito ay pilit naming inaaliw ang sarili sa mga tanawin na kalawanging yero na aming pinagmamasdan sa bawa't bubong ng mga kabahayan sa magkabilang hanay ng kalsada at ang nagtitipon na ulap na nagbabadya ng ulan sa buong Kamaynilaan.
Ang lumilipad kong kaisipan ay napalitan ng kaba ng aking marinig mula sa mga "speakers" na nagsasabing kami ay nasa Central Station. Hanggang sa tuluyang tumigil ang tren, at may kakaibang kaba at kasiyahan ang aking naramdaman dahil sa mga susunod naming patutunguhan ay maghahatid sa amin sa isang malaking pagbabago ng aming buhay.
Di maipaliwanag na damdamin ang bumabalot sa aking katauhan, at alam kong iyon din ang kanyang nararamdaman, dahil sa mga oras na ito ang aming gagawing hakbang ay kami lang ang nakakaalam
Hulyo 27, 1990, sa isang maliit na opisina ng Munisipyo ng Lunsod ng Maynila, sa tulong at kapangyarihan ni Rev. Davao ay pinagtibay ang aking pag-iisang dibdib sa aking maybahay na si Ehnor sa harap ng isang pares na magkaibigan na nagsilbing testigo sa kasalang sibil naming mag-asawa.
Isang payak na kasalan, walang imbitasyon at wala ring dekorasyon, walang magarbong kasuotan tulad ng barong at trahe de boda, at higit sa lahat ay walang litratista upang magbigay larawan sa isang pinakamahalagang araw sa aming buhay.
Simple sa mata ng nakararami, subalit ang simpleng okasyon na iyon ay ang pinakamasayang kaganapan sa aming buhay bilang pagbubukas ng aming sarili sa bagong kabanata ng aming buhay bilang mag-asawa, dahil simula ng araw na iyon hindi na kami dalawa kundi iisa - isang pintig ng puso, isang pangarap, isang pamilya.
Hindi naging madali unang yugto ng aming buhay mag-asawa na maaaring maihalintulad sa paborito kong sitcom na "John en Marsha". May mga linggong puno ng katatawanan, tampuhan, iyakan at lambingan. May mga tao ring nakikialam, tulad ng katauhan ni Donya Delilah at iba pang mga kontrabida na nagbigay kulay sa aming pagsasama.
Pinaglayo man kami ng kapalaran dahil sa kahirapan na nagtulak sa akin na tahakin ang landas ng pangingibang bayan, nanatilng tapat sa aming mga sumpaan, pag-ibig, tiwala at pananampalataya ang nagbigay daan upang mapaglabanan ang anumang pagsubok sa aming buhay.
Maraming kwento ang nabuo, maraming kasiyahan at kalungkutan ang naitala sa 20 taong naming bilang mag-asawa at ang 20 taon na iyan ay di mabubuo kung hindi dahil sa pagpapala ng Maykapal.
At sa aking maybahay na si Ehnor - maraming salamat sa iyong walang sawang pagmamahal - ikaw ang aking lakas sa oras ng aking kahinaan, ikaw ang nagbibigay liwanag sa mga sandaling ako'y nasa kadiliman at ikaw ang pumupuno sa panalangin sa panahon ng aking kawalan ng pag-asa.
Salamat sa pagdarasal at gabay ng mga kamag-anak at kabigan na laging nakasubaybay at sa aming dalawang anak na si Jason at Geek na tanging kayamanan namin bilang mag-asawa, at sa mga nakibasa.at mag-iiwan ng marka MARAMING SALAMAT SA INYO, AT SAMAHAN NINYO KAMING MAG-ASAWA SA PATULOY NA PAGBIBILANG....
DALAWANPUNG TAON nAPO KAMI!!!
Tagal na ah :)
ReplyDeleteHappy Anniversary sa inyo :)
Wow! Happy anniversary!! :) i wish God will make your marriage stronger and stronger in the coming blessed years :)
ReplyDeletehappy anniversary!!
ReplyDeleteHappy for both of you...
Wow! Congrats and Happy Anniversary for both of you... Best wishes as always! :)
ReplyDeletebuti nman di pa ko late bumati, happy anniversary, good luck and stay strong.
ReplyDeletesir, happy anniversary po sa inyo ng asawa mo!! ang galing naman. God Bless.
ReplyDeletehappy anniversary po! ;)
ReplyDeletehappy anniversary po sa inyo ^_^
ReplyDeleteMabuhay po kayo =)
ReplyDeleteHappy Anniversary sa inyo The Pope!
ReplyDeleteAng cute po ng love story ninyo. kakakilig. :-)
Congratulations! Happy Anniversary!
ReplyDeleteidol! Happy Anniversary po! Isang pagpupugay sa huwarang pamilya ng OFW!
ReplyDeletebro mahuli man daw ay maihahabol rin. isang mapagpalang anibersaryo sa inyo ni misis. nakikiisa ako sa inyo sa panalangin nawa pagkalooban kayo ng mahaba at magandadng pagsasama. God bless !
ReplyDeleteSweet! Happy Anniversary. Late na pero ang sabi nga ni Jess, naihahabol p rin. Both of you are lucky to find each other. Ebidensya naman jan ang mabuting pagpapalaki nyo sa inyong mga supling.
ReplyDeleteCongrats again and Godbless.