Sa malawak na daigdig na ating ginagalawan, kahit sinong OFW ang tatanungin kung bakit sya nasa lupang banyaga, iisa ang kasagutan - "para sa kinabukasan ng kasalukuyang pamilya". Tila wala pa akong narinigan na kaya siya nasa ibang bansa bilang OFW ay para sa ating bansa, kung mayruon man na tutugon na para sa Bayan ay mas nararapat yata na sya ay nasa Pilipinas at duon magsilbi sa piling ng ating mga kababayan.
Sa tuwing sumasapit ang katapusan ng bawa't buwan, sa bawa't remittance centers sa iba't ibang bansa, mapupuna mo ang mahabang pila ng ating mga kababayan na matiyaga na naghihintay upang maipadala ang kanilang remittance, hindi para sa Bayan kundi para sa kanilang pamilya sa Pilipinas.
Bago sumapit ang Disyembre, maraming OFW ang abala sa pamimili ng toothpaste, sabon, shampoo, kape, corned beef, chocolates, towels at iba't iba pang abubot hindi para sa sariling pangangailangan, at lalong hindi para sa Bayan kundi para sa pamilya na nais nyang bahaginan ng balik bayan box.
Sa bawa't kwarto ng mga OFW, ay may mga kalendaryo, minamasan, binibilang at ang iba ay ini-ekisan ang bawa't petsa na dumadaan dahil kanilang kinasasabikan ang araw ng kanilang pag-uwi upang magisnan hindi ang Bayan kundi ang pamilyang kanilang iniwanan.
Sa mga araw ng pagsamba, sa bawa't mga simbahan at pook dalanginan na matatagpuan sa malawak na sandaigdigan, pinupuno ito ng mga abang katawan ng OFW na pikit mata't taos pusong nananalangin hindi para sa Bayan kundi para sa pamilya na nawa'y pagpalain at ilayo sa anumang kapahamakan.
Sa bawa't pangungulila ng mga OFW, di mabilang na gabi na tigib ng kalungkutan na binabalot ng katahimikan, ang mga luhang kusang dumadaloy sa kanilang mga pisngi ay hindi pangungulila para sa Bayan, kundi para sa pamilya na kanilang kinagigiliwan.
Sa kabila ng hirap na nararamdaman bilang OFW ay pilit na kinukumbinsi ang kausap at sinasabing, "ayos lang ako dito, wag kayong mag-alala" at 'mag-enjoy kayo dyan, masaya rin ako dito", dahil ayaw nyang mag-alala sa kanyang katayuan, hindi ang Bayan kundi ang pamilya na kanyang pinaglilingkuran.
Sa kanilang pangingibang bansa, sila rin ay natutukso, nadadapa't nagkakasala subalit pilit bumabangon, humihingi ng kapatawaran at nagbabago upang maibalik ang tiwala – hindi para sa Bayan, kundi sa pamilya na kanilang pinagpipitaga't nais makasama ng habambuhay.
At tulad ng awitin ni Gary Valenciano na nakasan sa kanyang liriko ang mga katagang "Saan ka man naruruon ngaun, sa Saudi, Japan o Hongkong, babalik ka rin, babalik ka rin, at babalik ka rin" kaibigang OFW, hindi para sa Bayan kundi sa piling ng iyong iniwang pamilya na bukas kamay na naghihintay sa iyong pagbabalik.
Kaibigan, saan ka man naruruon ngaun, ang aking panulat ay aking nilikha hindi para sa Bayan kundi para sa aking pamilya.
Ikaw kaibigan - nais kong maging bahagi na aking natagpuan na bagong pamilya...
Ito ang pamilya ng PEBA, dahil sa kanila, mahalaga ang pamilyang OFW, mahalaga tayo sa kanila.
PEBA...natagpuan na... ang ating bagong kapamilya
Sa kabila ng hirap na nararamdaman bilang OFW ay pilit na kinukumbinsi ang kausap at sinasabing, "ayos lang ako dito, wag kayong mag-alala" at 'mag-enjoy kayo dyan, masaya rin ako dito", dahil ayaw nyang mag-alala sa kanyang katayuan, hindi ang Bayan kundi ang pamilya na kanyang pinaglilingkuran..
ReplyDeletevery true, kht gsto mo ng umiyak, mag explode sa pblma at hirap ng pangungulila sa knila. pnipilit nting itago sa halakhak habng kausap sila. ayaw nting ipahalata sapagkat ayaw nting marinig na nalulungkot ang mga mahal ntin sa buhay :)
parekoy, pareho tayo ng paniniwala sa pagiging ofw! \m/
ReplyDelete@ Bhing
ReplyDeleteSalamat sa iyong pag-iiwan ng marka, inaabangan ko ang iyong pagsali sa PEBA 2010. God bless you.
@ NoBenta
Bro, tutuo ka, nabasa ko nga ang iyong panulat, tila iisa ang ating paniniwala ukol sa pamilyang OFW. Subalit nas pakaka-abangan ko ang iyong hinahandang poste bilang Nominado sa PEBA 2010.
isang halintulad ito ng simple at buong pamilya...saludo ako!
ReplyDeletedahil ang para sa pamilya- para ito sa sariling bansa!
Hirap talaga Pope maging OFW, kadalasan nakakalimutan ang sarili wag lang ang mga mahal sa buhay sa Pinas.
ReplyDeleteIsa ako sa mag-aabang ng inyong entry kase pagsumulat kayo masyadong "inspirational" at kakapulutan ng aral...nakkss!
Naniniwala ako na ang ginagawa natin para sa pamilya ay para rin sa bayan...
ReplyDeletePope, dito lang kmi para laging sumuporta sa PEBA, khit anong mithiin basta para sa ikabubuti ng mas nakararami, sino pa ba ang magdadamayan kung hindi tayong mga ofw rin. asus drama pa ko dito. Teka magpost din ako ng picture ng family ko, sila ang star ngayon eh. thanks sa pag link ng site ko sa PEBA.
ReplyDeletetotoo po yan.....
ReplyDelete