Monday, July 16, 2012

Maligayang Paglalakbay, Kalusugan Mo'y Pinagkakakitaan Namin




Gusto nyo ba ng istorya?

Ako ay si Ginoong Bayani dela Cruz at ito ang aking kwento.

Malakas ang ulan at kailangan kong makasakay bus patungo sa aking pinagtatrabahuan. Aking nilingon ang magkabilang dulo ng kalsada nguni't tila walang bus na dumadaan. Panay pa rin ang patak ng ulang tikatik, subali't hindi ito naging sagabal upang ako'y mawalan ng pag-asa habang sinasabi ko sa aking sarili na - kailangan kong makarating sa aking patutunguhan sa kabila ng masamang panahon.

Makalipas ang isang oras, isang Owwan Bus Liner ang tumigil sa aking harapan. Tinanong ko ang kunduktor kung ito ang byaheng dadaan sa kalyeng "Tuwid na Daan" patungong Barangay "Kabilang Isla" at tumango naman sya sa akin.

Subalit bago ako makasakay ay pinigil ako ng kunduktor na nakaharang sa gitna estribo at winika, di ka makakasakay kung di ka bibili ng regalo muna sa amin, habang nakangiti na pinapakita ang isang maliit na kahon.

Ako'y nagulat. "Anong regalo ito at magkano?" tanong ko sa Mamang Kunduktor.

Tinugon ako ng Mamang Kunduktor at winika, "ito ay isang kahon na naglalaman ng "First Aid Kit, may band aid, gasa, aspirin, mertayolet at iba pang mga maliliit na bagay na makakatulong sa iyo kapag ikaw ay naaksidente o nagkasakit. Ito'y murang mura, sqa halagang 24 pesos."

Nalito ako, nakiusap ako sa Mamang Kunduktor na hindi ako nakahanda sa ganung halaga. Isa pa ay hindi ko ito magagamit, dahil sa aking patutunguhan ay mayruon din nito at libreng ipinagkakaluob sa amin sampu ng aking pamilya ng walang bayad. Kaya't nakiusap ako na wag na akong bentahan ng kanyang produkto dahil di ko ito kakailanganin at sa iba na lang alukin na mas nangangailangan.

Subalit sabi ng Mamang Kunduktor, "Wala rin akong magagawa, kung hindi ka bibili di ka makakarating sa iyong patutunguhan, ikaw rin, sayang ang hanapbuhay na naghihintay sa iyo duon at iiwanan kita sa kalsada sa ilalim ng ulan.

Napabuntong hininga na lamang ako, at habang aking iniaabot ang 24 pesos kay mamang Kunduktor ay aking winika - "Illegal itong ginagawa ninyo, isang hantarang pangingikil at pagsasamantala, at tinakot ko sya na isusumbong ko sila kay Mang Penoy, ang nangangasiwa ng prankisa ng mga sasakyan. Subalit tinawanan lang ako ng malakas ni Mamang Kunduktor at tinugon ako ng may pang-aasar - "si Mang Penoy nga  mismo ang may kautusan nito, sabay abot ng munting kahon sa akin kapalit ng 24 pesos.

Wala akong magawa, pakiramdam ko ay ninakawan ako ng 24 piso sa isang "First Aid Kit" na di ko naman magagamit at kapuna-puna, may expiration pa nilalaman nito na kailangan gamitin sa loob ng isang taon kundi ay walang bisa na ang laman. mahirap ipaliwanag, subalit napakarami nito sa ospital na pinagtatrabahuan ko, libre ako at sampu ng aking pamilya. Hays napabuntung hininga na lamang ako. napaisip na lamang ako, bakit ba "Bayani ang ipinangalan sa akin ng mahal kong Ina bagkus, busabos naman ang turing sa akin at pinagsasamantalahan.

Tinignan kong mabuti ang kahon, di ko alam kung akon'y mangingiti o maiinis sa nabasa ko sa label nito,

"Maligayang Paglalakbay, Kalusugan Mo'y Pinagkakakitaan Namin by Feel Health"

--------------------------

Paunawa: Ito' ay isang likhang isip lamang. Kung may mga tauhan o lugar sa aking kwento na sa tingin nyo ay may pagkakahambing sa tunay na buhay, di po kayo nagkakamali, sila na nga po ang may sala. Ito'y inilalathala ng walang bayad bilang pagtugon sa panawagan ng Global OFW Voices.



3 comments:

  1. Nice post. This post provided very useful and important information. this post is very interesting, thanks;

    As You Know Ako.su is about Pinoy show. That website is a Best Provider of Pinoy Channel Gma Network And Abs-Cbn Entertainment Philippines. You Can Watch Free Download Pinoy Tambayan TV Worldwide. Best Provider Pinoy Channel gma and abs-cbn Entertainment Philippines.

    ReplyDelete
  2. The service is arranged so you can undoubtedly give the Dwarka Escorts service, which is a boost in the human body. If she is there, she might want to engage her.

    ReplyDelete
  3. spreadsheets are a powerful tool that helped legitimize the personal computer for business use in the early 1980s. They paved the way for the software revolution that has unfolded so explosively since then. Today, spreadsheet software ships with almost every new personal computer today, and most people have at least some experience with this type of software. Very helpful and Great information microsoft365.com/setup

    ReplyDelete

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails