Friday, January 16, 2009
Monster Machine
Halos 3 buwan pa lang aking bagong assembled na computer na maaaring tawaging monster machine ng mga nakakaunawa sa computer technology. Ang kanyang CPU ay Intel Core 2 Quad Q9300 2.5GHz, Intel Corp MoBo DP35DP, 4 GB RAM, 1TB HDD, 1GB nVidia GeForce 8500 GT Video Card + 250GB Sata HDD.
Ito ay lalong pinatingkad sa loob kanyang transparent case na may Gigabyte CPU LED Cooler Fan, 3 Laser-LED Fans, 2 Sound Activated Ultra Violet Cold Cathode Tubes at LED Laser Lights.
Bagama't ang aking CPU ay nakadesign para sa 5.1 Speaker system, nagkasya na lamang ako sa 2.1 JBL Creature II, ang aking mouse ay Wireless/Rechargeable Logitec MX-Laser 1000, Creative Gamers Keyboard Fatal1ty (illuminated by eluminx), at ang aing monitor ay 19" LCD LG monitor L1960TQ.
Sa kasalukuyan, 3 Operating system ang naka-install sa aking computer, ang Microsoft Windows XP, Microsoft Vista at ang Windows 7.
Ito ang palipasan ko ng oras, kung saan ako malayang nakikipagugnayan sa aking pamilya sa Pilipinas at mga kaibigan sa iba't ibang lugar sa daigdig sa pamamagitan ng chats at emails, paglalaro ng mga paborito kong pc games at paglikha ng blogs.
Ito ang nagsisilbing isang center point sa aking sala, kung saan nakakatawag ng pansin ang computer ko sa aking mga bisita sa bahay. Sa pagkakataong ito hahayaan ko kayong maingit sa aking computer.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
hello po kuya, salamat sa pagcomment. kasama na po kayo sa pinoy expats blog aggregators sa KA BLOGS Thoughtsmoto under Gulf Region. Everytime you update your blog, you are posted automatically sa pinakauna. Salamat po. Please copy the banner para display sa sidebar niyo. http://thoughtsmoto.blogspot.com
ReplyDelete