"Alam mo Dadi, nakakatuwa Lance, napakalambing"
"Dadi! Si Lance binilhan namin ng bagong laruan... gustong gusto nya"
"Dadalhin namin si Lance sa doktor kasi matam;ay at ayaw kumain"
Ang hindi nawawala sa aming usapan ang bagong kapamilya namin na si Lance, isang pure breed poodle na iniregalo ko sa debut ng anak kong si Geeka. Sya ang bagong karagdagan sa aming pamilya na nagdulot ng kasiyahan sa aking mag-ina mula ng dumating si Lance sa amin nuong Oktubre 2008.
Malaking pagbabago sa buhay namin ang pagdating ni Lance sa aming tahanan, nalilibang ang mag-ina ko sa bawat ikinikilos ng aso, sa kanyang mga paglalambing at sa mga ipinakikitang bagong tricks st paglalaro sa loob ng bahay. Maituturing ng may hatid na therapeutic healing ang aso sa mga taong kasama nya sa bahay, ito ay nakakabawas ng stress at tension, at nakakapagdulot ng kakaibang kasiyahan sa tao. Hindi kayang tumbasan ng pera ang kasiyahang naidulot nito sa aking mag-ina, kaya't si Lance ay itinuring na naming kapamilya at kapuso.
Subalit sa pagkupkop ng aso o ng anumang "animal pet" sa loob tahanan ay nangangailangan ng wastong kaalaman at paghahanda sa isang malaking responsibilidad sa pag-aalaga ng napiling hayup. Nararapat ding alamin kung ano ang gusto ninyong alagaang hayop na naayon sa sukat o laki ng inyong tahanan at dapat ding bigyan konsiderasyon ang kalusugan ng bawat miyembro ng pamilya sa pagpili ng uri ng hayop na aalagaan.
Para sa dagdag kaalaman sa animal pet, maaari ninyong bisitahin ang link na ito: http://en.wikipedia.org/wiki/Pet
we like dogs din, sa pilipinas meron kami poddle at chansi... hehe
ReplyDelete