Sa wakas, naisa-publiko na rin ang bagong Operating System ng Microsoft Corp. na pinangalanan Windows 7 Beta na maaaring mai-download mula sa website ng Microsoft. Ang Windows 7 ay tugon ng Microsoft sa hininging pagbabago ng mga tumatangkilik sa Windows, ang naghahangad ng mas mabilis at reliable na O.S. na wala sa Windows Vista.
Dahil sa nais kong makita ang mga ipinangakong pagbabago ng Microsoft, kailangan kong subukan ang nasabing Windows 7 sa aking computer. matapos kong mai-download ang ISO copy ng Windows 7, ito ay isinalin ko sa DVD at nagsimula na ang installation process sa aking computer. Kapuna-puna na sa proseso pa lamang ng pag-install ng software ay mas mabilis kung ikukumpara sa Windows Vista.
Matapos ang installation, napuna ko sa aking Device Manager na may dalawang devices na hindi na-identify ng Windows, ito ay ang PCI Simple Communication Cotroller at ang SM Bus Controller. Sinubukan kong hanapin ang tamang driver sa 2 nasabing device sa internet ay nanatiling bigo ako, ako ay umaasa na hindi ito magsisilbing sagabal sa pagpapatuloy ko ng aking patuloy na paggamit ng Windows 7.
Sa aking pananaw, ang Windows 7 ay improved version ng Windows Vista, halos lahat ng basic components ng Vista ay makikita sa Windows 7. Subalit sa patuloy kong paggamit ay napuna ko na mas mabilis na pertformance nito mula sa pangkalahatan, masasabi ko rin na mas stable at reliable kumpara sa Vista.
Karagdagan dito, ang kanyang graphical interface ay mas rich at mas pinaganda na mapupuna sa kanyang taskbar, mas malalaking previews at mas may control sa kanyang mga windows environments.
Pinagpatuloy ko ang pag-install ng mga softwares na kadalasan kong ginagamit tulad ng Esset Nod 32 AntiVirus, Microsoft Office 2007, Yahoo Messenger 9, Adobe Suite, Google Earth Pro, Nero at Chikka at masasabi kong wala akong naging suliranin sa kanilang operations sa lumipas na 3 araw na paggamit ko.
Sa pagkakataong ito, masasabi ko na wala pa aong nakikitang problema maliban sa nabanggit kong drivers na hindi na-identify ng O.S. subalit wala rin naman naging sagabal dito sa kabuuang paggamit ko ng Windows 7. At patuloy rin akong nakakatanggap ng updates mula sa Microsoft.
Kung kayo ay kasalukuyang gumagamit ng Windows Vista at hindi nasisiyahan sa kanyang performance, subukan ninyo ang Windows 7, ito ang tugon sa inyong problema. Maari ninyong subukan ang beta release ng Windows 7 o hintayin ang official launching nito maaaring sa last quarter ng kasalukuyang taon o sa simula ng 2010. may usap usapan na sa opisyal paglulunsad ng Windows 7 ay maaring isabay na rin ng Microsoft ang paglulunsand ang kanilang bagong produkto ng Microsoft Office 14 sa publiko.
No comments:
Post a Comment