Thursday, February 25, 2010

A Day In A Life Of A Blogger

I begin to miss my blogging friends who are in hiatus while some have decided to stop blogging for personal reasons and I still hope to see them back someday in the blogsphere - for most of them have inspired to stay and keep on blogging and some I was able to work with in our Kablogs projects.

They reminded me on how I started with my blog while I was following them as I tinker with my layouts and after a year and a month I feel I am still at "playing stage" with my blog.

Now I am sharing with you a funny blog post created by the famous blogger himself Paul Bradshaw of Online Journalism Blog on the 5 Stages of a Blogger's Life.


 
It started with a joke...


Commentors, friends and followers...
let me count my ways... (stats)


 
One for all and all for one . . .


Blogger of the Century . . .



I HOPE WE DON'T REACH THIS STAGE SOON :(


Can you identify yourself from the above illustration?



Sunday, February 21, 2010

Ang Diwa Ng EDSA


EDSA Day na naman, tulad ng inaasahan, holiday na naman sa Pilipinas. Isang araw na pag-alala sa tagumpay ng EDSA, tagumpay laban sa rehimeng Marcos.

At sa tuwing ginugunita ang EDSA, buong pagyayabang na aking ibinabahagi sa aking mga anak at sana sa aking mga apo na ako kapag silay nakakaunawa na ako'y naging bahagi ng makasaysayang People's Power Revolution na nagsimula nuong Pebrero 22 hanggang 25 taong 1986. Ito rin ay aking itinala sa aking Balik Tanaw sa EDSA Revolution - 02/25/86.

Pero paano nga kaya kung hindi nagtagumpay ang EDSA Revolution at paano kung namayani ang kapangyarihan ni 'Taning' at sinunod ng mga sundalo ang kautusan ni Gen. Ver na supilin ang People's Power Revolution sa EDSA sa pamamagitan ng paggamit ng dahas - baka  sinagasaan na kami ng mga Tanke ng Army o di kaya maaring namatay at wala ng mapagkilanlan sa amin sa bombang maaaring ihulog ng sa EDSA mga Tora-Tora ng PAF kung hindi namayani ang kapayapaan at pag-ibig sa puso ng bawa't Pilipino.

Malamang sa kulungan na hahantong si Ginang Aquino at baka si Cardinal Sin ay magtutungo sa Vatican at duon magtatago. siguradong si Ka Fidel, Enrile at Honasan ay sa firing squad  mamamatay. At maaaring ang mga sumunod na mga Presidente matapos si Ferdinand ay kaanak nya rin, si Imelda Marcos, o kaya'y si Bongbong Marcos.

Walang ring  Kapamilya Channel tayong panunuorin kasi  ang  pamilyang Marcos ang may-ari ng ABS-CBN ng panahon na iyon at siguradong hindi sisikat si Kris Aquino bilang artista  dahil hindi sya makakalusot kay Gng. Imelda Marcos na Patriyarka ng Kultura at Sining nung panahon na iyon. Di rin sisikat ang kulay dilaw, baka huhulihin ka kapag nakasuot ka ng kulay dilaw at tatawagin kang komunista kahit dilaw lang ang ipin mo.

Pero di nangyari iyon, nanalo nga si Tita Cory, isang kasaysayang  nagbigay ng  bagong pag-asa  sa bawa't Pilipino nung 1986. Pero ano na ba ngaun ang diwa ng EDSA makalipas ang 24 na taon? At ano na ba ngaun ang histura ng makasaysayang pook ng EDSA?

At bilang pangwakas nais kong  ibahagi ang video clip na ito, sana mapangiti ka kahit saglit lang - subalit huwag mo kalimutang sagutin ang katanungan - Ano nga ba ang Diwa ng EDSA?



Ang video ay likha ni Lourd De Veyra na mas kilala sa kanyang Word of the Lourd video series na matatagpuan sa You Tube.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails