Dito nahihimlay ang aking mga magulang
kasama ang aking bayaw, darating ang
panahon ito rin ang aking huling
"stop over"
Ilang araw na lang ay Araw na ng Undas, isang tradisyong Pinoy na maipagmamalaki natin sa buong mundo kung saan tuwing ika-1 ng Nobyembre ng bawa’t taon ay binibigyan nating halaga ang mga namayapa nating mahal sa buhay.
Sa huling linggo ng Oktubre, magiging abala ang ating mga kababayan sa Pilipinas sa pagpapalinis ng mga nitso, pag-aalis ng mga basura at damong ligaw na sumibol sa paligid nito, at pagpapapintura ng mga nitso, pamimili ng mga bulaklak, at mga kandila ang ilan sa mga pangunahing listahan bilang paghahanda sa Todos Los Santos.
Ang aking mga namayapang magulang at bayaw ay magkakasamang nahihimlay sa pampublikong sementeryo ng Lunsod ng Pasay at nung nakaraang linggo sa tulong ng aking Ate ay ipnaayos namin ng maaga ang kanilang puntod bilang paghahanda sa Todos Los Santos.
Inaalala ko tuloy ang mga lugar na lubog sa tubig baha matapos ang mapanalantang bagyo. Kahit ang mga patay ay hindi rin nakaligtas sa bagyong Ondoy at Pepeng. Ilang sementeryo kaya ang lubog sa tubig magpasahanggang ngaun? Paano kaya sila madadalaw ng kanilang mga mahal sa buhay?
Sa hindi naapektuhan ng pagbaha, magiging masaya na naman ang bawa’t sementeryo, magliliwanag sa iba’t ibang hugis ng kandila lalo pa sa pagsapit ng gabi. Isang buong araw na magsisilbing “reunion” kung saan ang bawa’t pamilya ay magkakatipon tipon sa puntod ng kanilang mga mahal sa buhay at sama-samang mag-aalay ng panalangin.
At sadyang may mga ilan din na bumibisita sa sementeryo bitbit ng kanilang mga casette player o kaya ay gitara, sana naman ay walang magdala ng karaoke at baka ito ay magmistulang Videoke Bar ang sementeryo. Igalang naman natin ang mga taong nag-aalay ng panalangin.
Ang ilan ay may dalang baraha bilang pampalipas oras sa buong araw na pananatili sa sementeryo, magsisimula sa solitaryo at mauuwi sa Tong-Its at Pusoy Dos ang paglilibang ng mag-anak. Iwasan naman ninyo ang pagdadala ng Majong, huwag naman maging garapal sa pagsusugal at wala tayo sa Casino.
May mga kalalakihan din na may dalang lapad o bote ng alak at serbesa bilang pamatid uhaw sa gitna ng sementeryo, konting paggalang lang po, may tamang lugar po ang inuman tulad ng inyong bahay o kaya ay sa Beer Haus na lang kayo mag-inuman.
Masasayang kwentuhan, paggunita sa mga ala-ala ng mga namayapa ang dapat pagtuunan ng pansin ng bawa’t pamilya, huwag pag-usapan ang buhay ng ibang tao na nabubuhay, ang sementeryo po ay hindi lugar para pag-tsismisan ang buhay ng ibang tao na hindi pa sumasakabilang buhay.
Sa gitna ng pagdiriwang na ito bilang paggalang sa mga namayapa, isang pagkakataon din ito na sinasamantala ng ilang mga kababayang mandurukot o snatcher kung saan sa makapal na tao sa loob ng sementeryo sila ay naglilibot at naghahanap ng biktimang madudukutan, baka katabi mo sila sa pakikipagsiksikan, kaya’t mag-ingat ka kaibigan, mas nakakatakot sila kaysa sa mga kaluluwa na ating ginugunita. Kaya’t ingatan ang mga bitbit na gamit at iwasang magdala ng maraming pera o mamahaling alahas, nasa loob po kayo ng sementeryo at wala po kayo sa SM o Trinoma.
At bilang panghuli, huwag kayong magugulat kung ang ilang mga politiko ay inyong makikita sa inyong sementeryo na tila nangangampanya, sila ang mga taong walang takot sa multo. Bilang paala-ala, karamihan sa mga nahihimlay sa mga sementeryo ay nakalista pa rin sa Voters’ List ng Comelec at huwag kayong magtataka na ang mga namayapang ninyong mahal sa buhay ay may maaaring makaboto bilang "ghosts voters" sa nalalapit na halalan sa 2010 dahil sa umiiral na madaling dayaing sistema at makinarya ng ating eleksyon sa kasalukuyang lipunan.
Dati ay mga magnanakaw lamang sa sementeryo ang sa kanila’y nagsasamantala, ngaun ay apektado na rin sila ng pandaigdigang suliranin sa climate change at epekto nito tulad ng land erosion at flash floods, at sa pagsapit ng 2010, ilan sa kanila’y magiging kasangkapan sa election fraud.
Mahirap nga talagang mamatay... tila walang katahimikan kahit na nasa kabilang buhay.
Undas na naman pala...
ReplyDeleteSana nga mabasa ng karamihan to at matuto, para naman matahimik na ang mga patay..
Nag alangan pa akong i-type ung "para naman matahimik na ang mga patay" lolzz parang mali eh :D
I like the last part kasi nga naman patay na pinagkikitaan na dinadamay pa sa kalokohan ng ilan mapagsamantlang politiko.
ReplyDeletebalik tayo sa undas. Trivia lang ang Nov is all saint days and nov 2 is al souls day. we suppost to celebrate yung araw ng patay sa 2nd day of Nov. but nakasanayan na ang nov. 1.
Lastly nagmula sa lupa at sa lupa din tayo babalik. habang may buhay gamitin ng ta't mahusay. Ngayon!
I miss celebrating All Souls Day sa Pinas...
ReplyDeletenagiging reunion kase un naming magkakamag-anak... umuuwi ng province ang ilan para dalawin ang mga yumaong mahal sa buhay...
nakikita ang mga datng kaklase...
nakikita ang mga dating kakilala...
minsan pa.. overnight sa sementeryo. laptop na ang uso ngayon... siguro doon magpa-farmville at magpafarm town ang mga pinsan ko... siguro magdamag silang magpapaganda ng bukirin habang binabantayan ang mga kaanak na pumanaw... high tech na... ayaw na nila ng baraha. poker sa facebook na lang daw! hehehehe!
kailan ko kaya sila ulit madadalaw... ah... magtitirik na lang muna ako ng kandila sa araw na yon bilang paggunita...
ulila ka na pala
ReplyDeleteDi pala napost yun comment ko kakainis nagloloko server ko, anyways matagal ka na rin palang ulila no? Naalala ko nun overnight kami sa puntod mg lolo't Lola ko at parang reunion na rin ng relatives ko, marami akong nakikita nagmamahjong nga ang iba kami naman pagkain dala at nagbubuo ng kandila na bola those were the days ngayon di na ako nakakadalaw sa puntod
ReplyDeletenila kahit pa sa nanay ko.
@ Lord CM
ReplyDeleteHahahaha, nag-alanginin ka pa, but that is the irony of it, tila hindi natatahimik ang mga souls of the departed kasi pinagsasamantalahan pa ang kanilang "boto" ng mga tiwaling politiko.
@ Life Moto
Salamat sa info, I wonder why we are celebrating it on Nov.1, I'll google it para malaman ko rin.
@ AZEL
You are right, I almost forgot, we are in an era hi-tech gadgets, hehehehe, the faithful will surely envade the sementeryo equipped with laptops, PSPs and other electronic gadgests.
@ Abou
Salamat sa pagbisita, God bless.
@ Sardonyx
This is one of the great Flipino tradition that we all missed as expats and OFWs. the same reason why we are craving to visit Philippines.
woho. undas. samen po instant family reunion ang undas :)
ReplyDeleteand so i'll vote wisely this coming hell-ection :p
kamusta po pope?? sana po lagi kayong okey ^^
nice one.
ReplyDeletemagkakaiba man tayo ng lugar na kinalakhan at tinitirhan sa pinas ay pare-pareho naman ang pagseselebra natin sa araw ng mga patay.
Nagustuhan ko ang post na ito. o",) May mga payo at paalala...
ReplyDelete"Ang lahat ng bagay ay magkaugnay!"
RJ, into Joey Ayala ka rin pala!
ReplyDeleteNapa-anubah?! naman ako dun sa 'stop over' line mo sa una.
I miss Undas sa Pinas lalo na sa Tarlac.