Wednesday, March 18, 2009

2010 - PILIPINAS WOWOWEE KNB?



Ayon sa pinakahuling tala ng PulseAsia sa kanilang February 2009 Ulat ng Bayan, sa 65 personalidad na napiling mapabilang na 'Senatorial Preferences' ng mga nakilahok sa nabanggit na survey para sa nalalapit na May 2010 election, kapuna-puna ang paglitaw ng pangalan nina Edu Manzano (TV Game Host ng Pilipinas Game KNB) at Willie Revillame (TV Noontime Host ng Wowowie) at kung pagbabatayan ang nasabing survey ng Feb 2 -15, 2009 at magpapatuloy ito, malaki ang kanilang chances of winning sa politial arena.

Nangunguna sa nasabing survey si Sen. Jinggoy Estrada, at sinundan naman nila Pia Cayetano, Mar Roxas, Miriam Santiago at Frank Drillon.

Sa mga kilalang personalidad sa radyo, TV at pelikula, isama na rin natin ang asawa / kasintahan ng ilang entertainment celebrities na napabilang sa nabanggit na Senatorial preferences ay ang mga sumusunod:
  • Jinggoy Estrada (Rank 1 - 3)
  • Mar Roxas (Rank 1 - 4)
  • Bong Revilla (Rank 5 - 11)
  • Ralph Recto (Rank 6 - 12)
  • Edu Manzano (Rank 6 - 12)
  • Tito Sotto (Rank 12 - 16)
  • Lito Lapid (Rank 17 - 21)
  • Joe de Venecia (Rank 17 - 23)
  • Willie Revillame (Rank 17 - 23)
  • Orly Mercado (Rank 20 - 29)
  • Solita 'Mareng Winnie' Monsod (Rank 23 - 31)
  • Mike Enriquez (Rank 25 - 32)
  • Butz Aquino (Rank 27 - 32)
  • Gilbert Remulla (Rank 29 - 38)
  • Grace 'FPJ' Poe (Rank 31 - 40)
  • Arnold 'Igan' Clavio (Rank 32 - 40)
Bagama't may ilang personalidad na nagsabing hindi nila papasukin ang daigdig ng politika, subalit may higit 1 taon pa bago sumapit ang Eleksyon 2010, marami pang maaring mangyari upang magpagbago ng kanilang desisyon upang kumandidato. Madaragdagan pa rin ang nasabing listahan sa pagpasok ng susunod na mga buwan.

Kung madodominahan ng mga artista mula sa iba't ibang entertainment media, maari rin itong magbigay daan sa pagsibol ng 2 bagong political parties na tulad ng Partidong Kapamilya at Alyansang Makapuso (huwag seryosohin, joc-joc-joc lang po muna ito at huwag magagalit).

Pero balik seryosong usapan, iba't-ibang kumpanya pa ang magsasagawa ng ibat-ibang survey upang magbigay gabay o magbigay kalituhan sa atin. Idagdag pa natin ang iba't ibang opinyon ng iba't ibang relihiyon, tulad ng Simbahang Katoliko sa pangunguna ni Bro. Mike Velarde (na may intensyon ding kumandidato); ang Iglesya Ni Kristo; at ang Christian Fellowship o Born Again Movement.

Piliin natin ang mga kandidatong may matibay na pananalig sa Dyos, may malinis na pagkatao, may paninindigan para Bayan at malasakit sa mga mahihirap.

Bagama't malayo pa ang nasabing Eleksyon 2010, ating bantayan ang pagkatao at personalidad ng mga prospective candidates, kung sila ay nagpapatawa lamang, nananakot, nanunuhol o seryoso sa paglilingkod sa ating Bayan.

Laging tatandaan, maging "Mapagmatyag, Mapanuri at Mapangahas".


10 comments:

  1. Parang cycle lang sya no? Natatandaan ko noong una, madami ring bumotong artista kaya nga nakapasok sa politics sina Lapid, Revilla, Sotto, etc. Tapos after some time nagsawa ang mga tao sa artista kaya hindi na nila nire-elect sa local political posts ang mga Revilla sa Cavite at Lapid sa Pampanga.

    And then here we go again?

    Tama ka: dapat if we elect someone, ung malinis ang pagkatao, may malasakit at may paninindigan.

    Hmmm...ipinanganak na kaya sya?

    ReplyDelete
  2. Pinoy nga naman... basta artista o sikat na personalidad tatangkilikin kahit pa sa pulitika. Anu ba nagawa ni Lito Lapid? Ni Jawo? at iba pa! SEnator? sa barangay na lang sana kayo tumakbo at kakaunti lang responsibilidad ninyo dun...Willie? pano na wowowee? kailangan ka ng mga tao... Edu Mansano? why not? pero mas okay sana kung sa pirated dvd ka na lang mag-focus...
    ito lang ang tanong ko? hindi ba malaki naman ang sahod ng pagigigng artista? bakit mas ginugusto nila ang pulitika? NAGTATANONG LANG NAMAN?

    ReplyDelete
  3. Nakakapagtaka lang...Bakit pinapayagan silang kumandidato ng Comelec? Wala na bang qualification o requirements para kumandidato? Ibig sabihin, tulad sa trabaho, di ba dapat marunong ka mag english pag nag work ka sa call center...

    ReplyDelete
  4. parang familiar yung line sa huli. sa matang lawin ba yun? hehe. :)

    hay election na naman... sana matuto na ang pinoy... kung ano man ang nangyayari sa bansa natin ay walang ibang dapat sisihin kundi tayo rin at hindi ang gobyerno. ang uri ng mga lider na meron tayo ay repleksyon din ng mga sarili natin dahil tayo ang pumili sa kanila.

    ReplyDelete
  5. Yun eh, kung may eleksyon.

    Huwag magagalit, pero marami kasing tumatakbo sa position sa gobyerno na ang motibo ay fame, money, at position hindi to lead and to serve. sana bago nila i-submit ang kanilang pangalan sa comelec bilang kandidato sa kung ano mang position, basahin muna nila ang kahulugan ng leadership at magbalik tanaw noong musmos pa ang isip

    ReplyDelete
  6. Tama ka kaibigang Nebz, ang mga traditional politicians natin ('trapo") ay parang ulam lamang na inilalako sa atin tuwing eleksyon, prito ngaun, bukas sweet and sour, pero anduon pa rin malansang amoy na dala-dala nila.

    Tulad ng sinabi ninyo kaKosang Mokong, Lord CM, Jez at JoSShMaRie, ang mga artista ng naman ginagamit ang kanilang kasikatan, akala ang pagpapatakbo ng bayan ay pagpapatawa lamang, dapat nating suriin ang kanilang qualifications kung may kakayanan na magpatakbo ng bayan.

    Kapuri-puri ang inyong pagmamalasakit sa ating Bayan.

    ReplyDelete
  7. Well, if tatakbo sila...

    Hayaan na lang sila...

    Hehe :) Pero I hope sa TV na lang sila.

    ReplyDelete
  8. Salamat sa pagdalaw kaibigang Lionheart. May respeto ako sa mga media personalities. Sana nga ay huwag silang magpagamit sa mga politika at manatili na lang sa kanilang trabaho kung saan sila naging mas epektibo sa paghahatid ng saya at informasyon sa masa sa daigdig ng media.

    ReplyDelete
  9. Natawa ako sa pamagat nito. Hahaha! Ayos! o",)

    ReplyDelete
  10. Salamat kaibigan RJ, kailangan natin ang tumawa upang mabawasan ang bigat ng problemang dinadala, tulad ng awit ni Ka Freddie, "Tawanan Mo Ang Iyong Problema".

    ReplyDelete

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails