Friday, March 6, 2009

PAALAM, FRANCIS M. (44)


Paalam kaibigang Kiko, maraming salamat sa iniwan mong alaala bilang artista at mang-aawit. At ang awit mong "Mga Kababayan Ko" na nagbigay daan upang bigyan kahalagahan ang ating lahing Pilipino, na magsikap para sa isang magandang bukas.

Ipinakita mo ang katapangan, na nagsilbing inspirasyon sa mga taong may sakit na kanser, at malalang karamdaman sa pakikibaka mo sa sakit mong leukemia, bagama't "ang espiritu sa katotohanan ay may ibig, datapuwa't mahina ang laman".

Minabuti na rin siguro ng Maykapal na wakasan na ang paghihirap ng iyong katawan at sakit sa damdamin na nararamdaman ng iyong pamilya dahil may mas mahalaga kang haharapin na gawain sa Kanyang Kaharian. Sayang nga lang kaibigan, inaabangan ka pa naman bukas, Marso 7; ng iyong mga tagasubaybay sa iyong pagtatanghal sa final set ng reunion concert Eraser Head.

Maraming salamat Kiko, lagi ko pa ring pakikinggan ang mga awitin mong iiniwan sa amin na patuloy na magbibigay ng inspirasyon sa mga kabataan at babalik-balikan rin namin ang iyong blog - http://magalona.com/ kung saan mo ipinakilala ang tunay mong pagkatao.

Purihin ka Kiko, isa kang tunay na Master Rapper ng aming bansa, ngaun mapayapa mong makakasama ang Lumikha.


Mga Kababayan Ko
Francis m.

Chorus

Mga kababayan ko
Dapat lang malaman nyo
Bilib ako sa kulay ko
Ako ay pilipino
Kung may itim or may puti
Mayron naman kayumangi
Isipin mo na kaya mong
Abutin ang yung minimithi

Dapat magsumikap para tayoy di maghirap
Ang trabaho mo pagbutihin mo
Dahil pag gusto mo ay kaya mo
Kung kaya mo ay kaya nya
At kaya nating dalawa

Magaling ang atin
Yan ang laging iisipin
Pag asensyo mararating
Kung handa kang tiisin
Ang hirap at pagod sa problema
Wag kang malunod
Umaahon ka wag lumubog
Pagka't ginhawa naman ang susunod
Iwasan mo ang ingit
Ang sa ibay ibig mong makamit
Dapat nga ikaw matuwa sa napala ng iyong kapatid
Ibig kung ipabatid
Na lahat tayo'y kabig bisig

Repeat chorus

Respetohin natin ang ating ina
Ilaw siya ng tahanan
Bigyang galang ang ama
At ang payo ang susudan
At sa magkakapatid
Kailang ay magmahalan
Dapat lng ay pag usapan ang hindi nauuwaan

Wag takasan ang pag kukulang
Kasalan ay panagutan
Mag malinis ay iwasan
Nakakainis marumi naman
Ang mag kaaway ipag bati
Gumitna ka ang wag kumampi

Lahat tayoy magkakapatid
Anong mang mali ay ituwid
Magdasal sa diyos maykapal
Maging banal at wag hangal
Itong tula ay alay ko
Sa inyo at sa buong mundo

5 comments:

  1. I just learned about it now. Ikinuwento ko nga kaagad sa mga housemates ko dito sa Saudi.

    Nakakalungkot mawalan ng isang Francis Magalona.

    ReplyDelete
  2. Tama ka Nebz, isang kawalan si Kiko sa daigdig ng musika, sa kanyang mga awit makabayan. Di ko makakalimutan ang mga bata na umaawit ng "Mga Kababayan Ko" sa labas ng aming bahay. Kaya lang may appointment na sya kay Pareng Jess.

    ReplyDelete
  3. Nakakahinayang na mawala si Francis M. sa industriya ng musika sa ating bansa pero minsan mas nakakaawa rin siyang pagmasdan na unti-unting nanghihina sa kanyang karamdaman. Natatandaan ko na sikat na sikat siya noon ako ay nasa high school pa (naku tanda ko na pala). Hay ganyan talaga ang buhay una-una lang :-) Thanks for sharing.

    ReplyDelete
  4. Ganun nga talaga ang buhay Sardonyx, kanya kanyang panahon iyan, iyon nga lang nauna ng namaalam si Kiko, kaya't mapalad tayong naiiwan at dapat pasalamatan ang Maykapal sa bawa't bagong umaga na pinagkakaloob sa atin.

    Salamat sa iyong pagdalaw kaibigan.

    ReplyDelete
  5. Tumpak kayo mga KABAYAN!! FRANCIS M. will be surely miss by the entire PHILIPPINE NATION!! Do check out my blog tribute on him too:

    http://docmuzic.blogspot.com/2009/03/francism-rip.html

    DR. STIRRING RHOD

    ReplyDelete

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails