Thursday, March 12, 2009

FRIDAY the 13TH...



As I was staring at my desk calendar, I can't help but wonder what is stored for me tomorrow, it's Friday the 13th. Nung nakalipas ng buwan ng Pebrero ang unang Friday the 13th sa taong 2009.

Ano ba ang misteryo ng Friday the 13th, bakit ba may mga taong naliligalig sa petsang ito lalo pa't pumatak sa araw ng Byernes.

"Paraskevidekatriaphobics" ang tawag sa mga taong may di maipaliwanag na pagkatakot sa Friday the 13th. Ang hirap bigkasin ano, nakakabulol tuloy sa takot.

Sa dami ng mga superstitions nating mga Pinoy ang Friday the 13th mas madalas na iniiwasan o kinatatakutan at pinaniniwalaan rin ng karamihan.

Bakit nga ba malas ang Friday the 13th? Bagama't walang makapagsabi ng eksaktong pinagmulan ng takot sa Friday the 13th, maraming haka-haka tungkol dito. Sabi nila, ang bilang na labindalawa (12) ang pinaka perpektong bilang dahil 12 ang apostoles ni Kristo, 12 ang Tribo ng Israel, 12 rin ang bilang ng Dyos ng Olimpus, 12 ang uri ng zodiac signs, may 12 buwan sa loob ng isang taon, at 12 ang bilang na nasa mukha ng orasan. Kaya't ang bilang na 13 ay kalabisan na lamang, samantala ang araw ng Byernes naman ay isang araw ng pagluluksa, ito ang araw kung saan ipinako at namatay sa krus si Hesukristo.

Ang ilan sa mga kaganapan na pilit na idinudugtong sa kamalasang hatid ng bilang na 13 ay nang ang Apollo 13 spacecraft ay nagkaruon ng malfunction nuong April 11th sa oras na 13:13 CST, at napilitang bumalik sa Earth na hindi man lamang nakalapag sa buwan na naglagay sa buhay ng kanyang mga crew sa alanganin. Si Jospeh Estrada ay naluklok bilang ika-13 Presidente ng Pilipinas ay napatalsik sa puwesto nuong 2001. Nuong Aug. 13, 2004, Byernes, sinalanta ng Hurricane Charlie ang Florida sa Amerika kung saan maraming naging biktima ng kalamidad.

Marami pang mga istorya tungkol sa Friday the 13th, pero malas man o hindi, kailangang harapin natin ang araw na iyan, dahil bukas Friday the 13th, Day Off naming mga OFW sa Gitnang Silangan (T.G.I.F.). Hindi naman siguro badluck ang maglaba, magplantsa, maglinis ng bahay, etc, kasi routine work na ito pag Friday sa Gitnang Silangan.

At bukas rin, Friday the 13th, karamihan sa manggagawa sa buong Pilipinas ang tatanggap ng kanilang sahod, kung walang Friday the 13th, tyak na sa March 16 pa kayo makakasahod.. At sa ayaw ninyo at sa gusto, ang susunod na pagpatak ng Friday the 13th ay sa buwan ng Nobyembre ng kasalukyang taon.

Fridy the 13th man o hindi, huwag makalimot magpasalamat sa Panginoon sa mga biyayang ating natatanggap sa araw-araw at ilayo nawa tayo at ang ating mga pamilya sa anumang sakuna at kapahamakan na maaaring dumating sa ating buhay. AMEN.

2 comments:

  1. Maganda ang post na ito! Ang daming info... maraming salamat. [Sa totoo lang, dati po ay natatakot akong magawi sa blog ni The Pope kahit na nakikita ko na ang pangalan niya sa mga comment sections ng mga blogs. Akala ko kasi ay mga napakabigat na mga pangaral at lecture ang nandito. Pero hindi pala, cool basahin! o",) ]

    Ako nga po noong Friday, March 13, 2009 1am ang simula ng trabaho ko. Natatakot talaga ako, kaya talagang nanalangin ako, sa unang 1hr kasi ng work ako lang mag-isa ang nasa workplace, eh napakadilim pa naman (ng manukan, may sedative effect kasi ang dilim sa mga manok).

    Naalala ko kasi last October 13, 2008 may harvest din ng mga manok, ako ang nagbantay. Namatayan ako ng 385 heads dahil nag smother sila! Kaya ingat na ingat ako this time. Sa awa ng Diyos wala namang nangyari.

    ReplyDelete
  2. Maraming salamat sa iyong pagdalaw at iniwang papuri kaibigang RJ.

    ReplyDelete

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails