Saturday, March 7, 2009

SALUMPUWIT AT IBA PA

Di pala biro ang magsalin ng mga salitang Ingles sa wikang Tagalog. Matapos kong tulungan ang aking anak sa kanyang assignment sa skul sa pag-translate ng isang essay na nasusulat sa wikang Ingles ay napatunayan na kulang pa rin ang aking kaalaman sa wikang Tagalog.

Kaya't tila pagbabalik-aral, sinubukan kong isulat ang ilan sa mga salitang Tagalog na bihirang gamitin at ang katumbas nyang salita sa wikang Ingles tulad ng mga sumusunod:

agimat - talisman
silanganan - orient
pranela - flannel
talamak - widespread
gulod - slope
medida - tape measure
imbudo - funnel
kawatan - thief
halimuyak - aroma
tadyang - ribs
guryon - kite
salumpuwit - chair

May mga salitang Tagalog din na madalas kong naririnig na hindi ko mabigyan ng kahulugan sa wikang Ingles tulad ng:

kangkarot
haliparot
nakakabagabag
alimuom

Marami pang salitang nais kong isama dito pero minabuti kong kayo na lang ang magbigay ng karagdagang kaalaman.

Sa paghahanap ko ng tamang Tagalog-English translation sa internet, may isang translation quiz na nilikha sa Excel at available for download sa www.scribd.com upang ma-Palipasan ng oras at masubok ang inyong vocubulary power. Bilang karagdagan, nais kong ipaalam na hindi ito conclusive para maging batayan o "gauge" para sa vocubolary skills.

Sabi pala ng iba, "upuan" daw ang tamang Tagalog equivalent word sa salitang Ingles na "chair". Subalit para sa akin "salumpuwit" pa rin ang eksaktong salita, dahil sa kanyang literal meaning na tumutukoy sa desenyo ng pagkakalikha na di maitatanggi sa nakalarawan sa ibaba.

Ano naman ang Tagalog ng "brassaire" o "bra" at "underwear"? Ipapaubaya ko na lamang sa inyo kaibigan ang wastong kahulugan.

Ipagmalaki natin ang wikang Pilipino na bahagi ng ating Pambansang kasarinlan.

"Kung hindi ako "salumpuwit", ano ako?"

2 comments:

  1. ahahaha...siguro nga sa picture na yan based iyong word na salumpuwit..hehehe, iyong iba ginawa na lang jokes iyong mga totoong salitang pinoy, pero siguro for convenience talaga kaya hindi rin masyadong literal tagalog ang ginagamit natin.

    ReplyDelete
  2. Right ka dyan kaibigang Marlon, masyadong literal nga at mahirap bigkasin ang mga original na salitang Tagalog kaya't ang iba ay pinaikli o ginamit ang mas madaling salita kahit ito ay hango sa salitang banyaga.

    ReplyDelete

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails