Tuesday, March 17, 2009

"TAGGING" - ISANG URI NG PAKIKIPAG-UGNAYAN SA KAPWA BLOGGER


A Graphology Test Tag


Excited, happy, and proud - ito ang aking nararamdaman sa unang tag invitation na natanggap ko mula ng magsimula akong magsulat ng blog since February 2009. At sa pananaw ko ay isang healthy blog activity ito kung saan nagkakaruon ng isang dynamic exercise within the blog community irregardless of their differences in personalities and blog interests.

Bilang pagpapaunlak sa paanyaya ni kaibigang N.J. sa kanyang Graphology Test Tag, aking inilalathala ang aking likha alinsunod sa kanyang sample tag.

Isang Tag Invitation na rin itong aking ipinahahatid sa aking kaibigang LordCM at Kosang Bomzz, isang paanyaya sa kanila na makilahok sa tagging experience na hatid ni N.J. Nawa't mapaunlakan ang aking paanyaya.

Purihin at mabuhay ang mga Pinoy Bloggers!

7 comments:

  1. Dapat pala ngayon pa lang gawin ko na ung tag sa akin bago pa ako mauubusan ng ita-tag. Pareho tayo ng letters na inaayawan, especially ang Q. Que hirap isulat sa kamay.

    ReplyDelete
  2. Ang ganda ng sulat-kamay niyo, Pope! o",)

    Base po sa graphology ni Tito NJ, magkatugma po ba ang personality niyo sa penmanship niyo?

    ReplyDelete
  3. Ayos ah...tatlo na kayong may tag sa akin ng ganito :D

    Sige Sige!!!Pagandahin ko muna sulat ko at nang magawa na yan lolzz

    Salamat sa pagpasa :)

    ReplyDelete
  4. Kaibigang Nebz, tama ka, sa takbo ng tagging trend na ito, mabilis na mauubusan ka ng ita-tag.

    Salamat RJ, di ko napuna kung may pagkakahawig ang aming sulat kamay ni Kosang NJ, subalit isang karangalan kung maihambing sa kanyang personality.

    Natatawa tuloy ako dahil tatlo na kaming nakapag-tag sa iyo kaibigang Lord CM, dapat pa ba kaming mag Jack-en-Poy?

    Napakahirap mamili ng ita-tag, sa maikling panahon kong pagpasok sa pagsusulat ng blog di ko akalaing napakarami kong nakilala at naging kaibigan, kaya't ang pinagbasehan ko na lang sa pagpili ay iyong huling 2 bloggers na sa idinagdag sa aking sinusubaybayan ang panulat at the time na mailathala itong post ko.

    Purihin kayong kayong lahat

    ReplyDelete
  5. Nice penmanship pare..pang-engineer yung handwriting mo... have a great day POpe!!!

    ReplyDelete
  6. Hehehe :D Di na pre, unahan na lang kayo tumakbo, sino mahuli sya panalo lolzz

    Isabay ko sana sa tag ko nung huli yan para isahan na lang, sinubukan ko, Putek!!! di maintindihan sulat ko ah hehehe , nasanay na akong puro keyboard ang hawak eh :) ..

    Bigyan mo lang ako ng panahon pre lolzz

    ReplyDelete
  7. Salamat sa comment ka-Kosang Mokong, sana'y kasi akong gumawa ng excuse slip sa teacher nung high skul pag-umaabsent sa klase kaya nag-improve na yan ng husto sa kasusulat hahahaha.

    Kaibigang LordCM, wag kang mag-alala kung hindi readable ang writing mo, maaring mapagkamalan kang Doktor o Estenographer.

    Salamat sa inyo mga kaibigan.

    ReplyDelete

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails